-- Advertisements --
Phoenix Pulse
Phoenix Pulse/ PBA image

Nangailangan pa ng overtime ang Phoenix Pulse para talunin ang Blackwater 120-117 sa kanilang huling laro sa PBA Governors’ Cup sa Smart-Araneta.

Itinuturing na bayani sa laro si Matthew Wright ng maipasok nito ang three points sa loob ng 1.2 seconds.

Dahil dito ay nag-improved na ang standing ng Fuel Masters na mayroong tatlong panalo at walong talo.

Bumida sa panalo si Alonzo Gee na mayroong 34 points at 12 rebounds habang mayroong 28 points si Wright.

Ito na rin ang huling laro ni Doug Kramer matapos ang 12 taon nito sa PBA.

Sinabi ni Phoenix Pulse coach Louie Alas na naging maganda ang pagtatapos nila sa torneo dahil nanalo sila at iyun daw ang nais nila para kay Kramer.