-- Advertisements --

Balik na sa winning forma ang Rain or Shine Elasto Painters matapos talunin nila ang Phoenix Super LPG 122-107 sa nagpapatuloy na 2024 PBA Governors’ Cup.

Mula sa simula ay nagpalitan ng kalamangan ang dalawang koponan sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Nanguna sa panalo ng Rain or Shine si Adrian Nocum na nagtala ng 16 points habang mayroong 16 points at 11 rebounds si import Aaron Fuller.

Tinanghal naman bilang player of the game si Gian Mamuyac na nagtal ang 14 points sa loob ng 22 minuto.

Nasayang naman ang nagawang 31 points ni Phoenix import Brandone Francis at 22 points, 10 rebounds ni Jason Perkins.

Mayroon ng limang panalo at isang talo ang Rain or Shine habang ang Phoenix ay wala pang talo sa loob ng anim na laro.