GENERAL SANTOS CITY – Hanggang ngayon ay hindi pa rin ng si-sink in sa pamilya Melindo na nanalo sila ng P1 million sa grand draw ng Buena Mano Salvo Year 17.
Ang bagong milyonaryo na naghulog ng entries sa Bombo Radyo Gensan ay kinilala na si Ebenizer Melindo, 61 taong gulang residente ng Santa Cruz, Barangay Cannery Site Polomolok South Cotabato.
Si Mr. Melindo ang ika-74th na milyonaryo ng Bombo Radyo Philippines at ikatlong winner ng P1 million dito sa Bombo Radyo General Santos.
Habang ang ginamit na Proof of purchase ito ay Surf Laundry Powder na hawak pa nito ang empty sachet ng produkto kasabay ng live interview sa kanyang misis na si Mrs. Raqueline Melindo, isa ring promo participants ng Bombo Radyo.
Emosyunal na sinabi ni Mrs. Melindo nang magpasalamat sa Panginoon, Bombo Radyo Philippines at mga Sponsors sa kanyang panalo.
Aniya, ilang araw pa ang lumipas ng makalabas ng ospital si Mr. Melindo dahil sa mild stroke at ito mismo ang nakarinig na siya ang naging P1 million winner.
Inihayag ni Mrs. Melindo ang napanalunan ay gagamitin sa patuloy na pagpapagamot sa kanyang mister na ngayon ay hindi pa rin makapagsalita dahil sa mild stroke.
Ipinagmalaki ng mag-asawa na mahigit 20 years na silang sumasali ng mga promo ng Bombo Radyo.