-- Advertisements --

Sinira ng Bureau of Customs (BOC) ang mga nasabat na P100 million halaga ng smuggled agricultural products.

Kabilang sa mga produktong nasamsam ay sibuyas, carrots at seafood.

Nagkakahalaga ang naturang kontrabando ng P101,134,900 na ipinadala ng iba’t ibang entities gaya ng Zhenpin Consumer Goods Trading, Gingarnion Agri Trading at Schnell Wert OPC at dumating sa bansa noong Disyembre 2020 at noong June at December ng nakalipas na taon sa pantalan ng Subic.

Kaugnay nito, mahigpit ang paalala ng BOC na tanging ang mga produktong karne at food procuts na mayroong import clearances na inisyu ng Department of Agriculture at ng Department of Health ang pinapayagang makapasok sa mga pantalan ng bansa.

Bilang bahagi kasi ng clearance procedure ng ahensiya, kailangan ng mga importers na magpresenta ng permits na inisyu ng regulatory agencies bago ang pagpapalabas ng shipments.