CAUAYAN CITY – Aabot sa P4.3 million na Tobacco Excise tax ang inaasahang maipapamahagi na sa mga tobacco farmers sa Cauayan City sa susunod na buwan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Beatrice Baquiran, pangulo ng tobacco farmers Association ng Cauayan City, nasa 65 tobacco farmers ang nakatanggap ng tig-P5,000.
Bagamat nakatanggap na sila ng tulong pinansiyal ay hinihintay pa nila ang ipinangakong isang baka, isang baboy at P40,000 na pakinabang mula sa P4.3 million na tobacco excise tax.
Nagpapatuloy anyang dumarami ang mga nagtatanim ng tabako sa Cauayan City dahil sa panibagong proyekto ng universal leaf na broad leaf kung saan mahigit 100 ektarya ng lupain ang kanilang tatamnan.
Tiniyak naman ng City Agriculture Office na ang natanggap ng mga tobacco farmers na P5,000 lamang ng pondo na nagmula sa pamahalaang lungsod.