-- Advertisements --

Muling nakapagtala ng mahinang phreatic o steam-driven eruption sa Taal main crater ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Batay sa kanilang abiso, namataan ang pagbuga ng usok kaninang alas-8:27 hanggang alas-08:31 ng umaga ngayong araw, Mayo 8, 2024.

Sa nasabing aktibidad, namataan ang makapal na puting usok na may taas na 2000 meters.

Ipinadpad naman ito sa timog kanlurang direksyon, makalipas ang ilang minuto.

Nabatid na ang sulfur dioxide (SO2) emissions ng bulkan ay bahagyang bumaba na noong nakaraang linggo, ngunit nananatili pa rin itong lagpas kung ikukumpara sa mga nakalipas na buwan.

Sa pagtaya ng Phivolcs, maaari pa umano itong maulit sa mga darating na araw.

“Weak phreatic activity is likely driven by the continued emission of hot volcanic gases at the Taal Main Crater and could be succeeded by similar events. The background levels of volcanic earthquake activity and ground deformation detected at Taal indicate that unrest is unlikely to progress into magmatic eruption,” saad ng abiso mula sa Phivolcs.