-- Advertisements --

Nakapagtala ng panibagong phreatic eruption mula sa main crater ng Bulkang Taal sa Isla ng Taal nitong ala-1:59 am, 25 Setyembre 2024.

Nakunan ng thermal camera ng Daang Kastila Observation Station (VTDK).

Nagdulot ito ng 600-metrong taas na plume ng pagsabog na tumuloy sa patimog-kanlurang direksyon.

Nananatili naman sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.