Naobserbahan ang phreatic eruption sa bulking Taal sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tumagal ang phreatic eruption sa bulkan ng 7 minuto at 39 na segundo.
Wala naman naitalang volcanic earthquakes, bagamat naobserbahan ang makapal na plumes na may taas na 1,800 meters mula sa bulkan na napadpad sa timog-kanlurang direksiyon.
Nagbuga naman ang bulkan ng average na 1,577 tonelada ng sulfur dioxide noong Oktubre 16. Nagkaroon din ng upwelling ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lakes.
Bunsod nito, nananatiling nakataas sa Alert Level 1 o low level unrest ang Bulkang Taal.
Paalala pa rin sa publiko na bawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island na itinuturing na permanent danger zone lalo na sa Main Crater at Daang Kastila fissures gayundin bawal ang pagpapalipad ng sasakyaang panghimpapawid sa tuktok ng bulkan.