Muling nakapagtala ng phreatic eruption sa Bulkang Taal nitong araw ng Linggo base sa inilabas na bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ngayong Lunes.
Nagtagal ng 2 minuto ang phreatic eruption sa bulkan.
Maliban dito, nagbuga din ang bulkan ng 1,510 tonelada ng asupre noong nakalipas na araw ng Sabado at naobserbahan din ang upwelling ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake.
Namonitor din ang katamtamang emission ng plumes na hanggang 700 metro ang taas na napadpad sa hilagang silangang direksiyon.
Wala namang volcanic quake ang naitala nitong nakalipas na araw.
Sa ngayon, nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang bulking Taal na nangangahulugan na nananatili sa abnormal na kondisyon kayat possible pa rin ang banta ng sudden steam-driven o phreatic explosions o pagsabog, volcanic quake, minor ashfall at iba pa.
Patuloy pa rin ang paalala ng Phivolcs sa mga komunidad sa palibot ng Taal Caldera sa epekto sa kalusugan ng exposure sa mataas na concentration ng asupre mula sa bulkan. Gayundin ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa Taal Volcano island, permanent danger zone Lalo na sa bisinidad ng Main Crater at Daang Kastila fissure at bawal din ang pagpapalipad ng mga sasakyang panghimpapawid malapit sa tuktok ng bulkan.