Itinuturing pa ng Phivolcs na blessing in disguise ang paminsan-minsang degassing at phreatic eruptions na naitatala mula sa Taal Volcano.
Ayon kay Phivolcs Director Teresito Bacolcol, hindi nangangahulugan na magkakaroon ng malakas na pagsabog kapag may mga ganitong scenario sa Taal dahil iba naman ang characteristic nito kumpara sa ibang bulkan.
Matatandaang apat na ulit nagkaroon ng phreatic eruptions ang Taal, ngunit pawang mahihina lamang ito.
Ang mahihinang pagbuga ng abo aniya ay nagpapanatili ng normal na aktibidad ng bulkan upang maiwasan ang pagkaipon ng enerhiya sa loob nito.
Kapag nangyari kasi na matagal bago sumabog ang bulkan, may mga pagkakataong nagiging mapaminsala ito dahil sa magmatic eruption.
Kaya naman muling pinaalalahanan ng ahensya ang publiko na huwag lumapit sa Island volcano dahil sa mga pagbuga ng usok na maaaring magdulot ng pagka-irita sa balat, mata, ilong at baga, lalo na sa mga may resperatory problem.