Pinalawig pa ng Supreme Court ang pansamantalang pagsasara ng mga korte sa mga lugar na nasa ilalim ng NCR Plus bunsod pa rin ng umiiral na modified enhanced community quarantine( MECQ).
Sa inilabas na administrative circular ni SC Chief Justice Alexander Gesmundo, inatasan niya ang mga huwes, court personnel at iba pa na manatili muna ang physical closure sa mga korte sa NCR, Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna, Quirino, Abra, Santiago City at iba pang mga areas na nasa ilalim ng ECQ, MECQ hanggang April 30.
Ayon sa kataas-tasahang hukuman, maaari namang magsagawa ng operasyon ang mga korte kung idadaan sa videoconferencing o remote hearings sa mga nakabinbin na kaso kung kinakailangan.
Sa panahong ito suspindido rin ang pagtanggap ng mga pleadings at mga mosyon sa mga may kaso at isasagawa na lamang ito isang linggo matapos ang pagbubukas ng muli ng mga korte sa katapusan ng buwan.