-- Advertisements --
ROXAS CITY – Hindi nasunod ang social distancing sa releasing ng social amelioration program (SAP) sa mga benepisyaryo ng cash assistance ng pamahalan.
Ito ay matapos dumagsa ang mga benepisaryo sa mga malls para matanggap ang P6,000 na cash assistance ng gobyerno.
Nabatid na humaba ang pila dahil late na ng dumating ang mga teller na siyang magre-release ng pera ng mga benepisaryo.
Samantala, dumating naman ang mga pulis para tumulong sa pagpapatupad sa social distancing.
Dahil hindi natapos ang distrubusyon ng cash assistance ay nagdesisyon ang mga opisyal ng gobyerno na ipagpatuloy ito ngayong araw.