-- Advertisements --
PMA
PMA

BAGUIO CITY – Nagsimula na nitong Lunes ang physical examinations sa lahat ng mga plebo o fourth class cadets ng Philippine Military Academy (PMA).

Alinsunod ito sa utos ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na isailalim sa physical examinations mula ulo hanggang paa ang lahat ng mga nasabing kadete ng akademya kasunod ng pagkamatay ni Cadet 4CL Darwin Dormitorio dahil sa hazing.

Sinabi niya na isasailalim sa pagtatanong ang mga plebong may mga pasa para maparusahan ang mga nanakit sa mga ito.

Ayon naman kay PMA Commandant of Cadets BGen. Bartolome Bacarro, ipagpapatuloy pa nila ang physical examinations ng mga plebo.

Tiniyak niya na maiimbestigahan din kung may findings o indicators na may iba pang pag-maltrato sa mga plebo.

Napag-alaman na noong August 25 ay may isinagawang physical examinations sa mga plebo ng akademya.