Inanunsiyo ng Professional Regulation Commission (PRC) na kanselado muna nila ang pagsagawa ng Physicians Licensure Examination (PLE) nitong buwan sa Metro Manila.
Ito ay may kaugnayan sa panawagan ng mga students group na suspendihin muna ang nasabing pagsusulit.
Ngunit, nilinaw naman ng PRC na tuloy ang examinations sa Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legaspi, Lucena, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga sa darating na September 11, 12, 18 at 19.
Hindi na nagbigay ng dahilan ang PRC kung bakit kinansela ang pagsusulit sa Metro Manila.
Nauna nang humingi ng postponement ang Philippine Medical Students Association and National Union of Students of the Philippines sa pagsasagawa ng board exam dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng Covid-19 sa bansa dulot ng Delta variant.
Iniulat din ng PRC na kanselado rin ang Qualifying Assessment for Foreign Medical Professionals (QAFMP) exam na gagawin sana sa Sept. 13 at 20 sa Metro Manila.