Iniimbestagahan na ngayon ng legal department ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) si Philippine Information Agency (PIA) Director General Harold Clavite.
Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, na bilang tugon sa adbokasiya ng Pangulong Rodrigo Duterte na labanan ang kurapsyon ay hindi sila magdadalawang isip na imbestigahan ang reklamo na nakarating sa kanilang opisina.
Ilan sa mga reklamo laban kay Clavite ay ang contract splitting, misuse of funds na nakalaan sa hotel accommodations at irregularities sa paggawa ng mga information materials.
Nilinaw naman ni Andanar na hindi pa naiparating ang reklamo sa office of the Ombudsman kaya sa kanilang level muna ito iimbestigahan.
Nauna ng pinabulaanan ni Clavite ang nasabing mga alegasyon at sinabi na ito ay walang mga basehan.
Isa aniya itong demolition job laban sa kaniya dahil sa magadang record nito mula ng maitalaga noong 2016.