-- Advertisements --
Nagbitiw na sa kaniyang puwesto si Philippine Information Agency (PIA) Director General Harold Clavite.
Ito mismo ang kinumpirma niya sa kaniyang social media post.
Nakasaad sa post na sa loob ng tatlong taon sa posisyon ay naging ‘roller coaster ride’ ang kaniyang buhay at nais niya ang mas kaunting stress sa pribadong buhay.
Magugunitang noong Hunyo ay iniimbestigahan siya ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) dahil sa alegasyon ng splitting contracts, misusing funds for hotels accomodation at irregularities in the production of information materials.
Mariin namang pinabulaanan nito ang alegasyon.