Pumayag na umano si Philippine Information Agency (PIA) Director General Harold Clavite na mabusisi ang kinikita niya mula sa gobyerno at iba pang yaman.
Sa isang panayam, sinabi ni Presidential Anti Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica na nagsumite na sa kanila si Clavite ng bank waiver at kopya ng kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN).
Ayon kay Belgica, gagamitin ito bilang bahagi ng imbestigasyon ng PACC laban sa kanya.
Kung maaalala, iniimbestigahan din ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) si Clavite matapos makatanggap ng samu’t saring reklamo mula sa mga hindi kilalang senders.
Kabilang dito ang kwestiyonableng procurement o pagbili noon ng PIA ng “Asean Komiks†kung saan hinati raw sa dalawa ang kontrata para makaiwas sa proseso ng public bidding.
Binubusisi rin ang umano’y paggatos ni Clavite ng pondo ng PIA para sa pananatili niya hotel sa Quezon City ng kaparehong taon.
Una na ring naglabas pa ang PCOO ng department order si Sec. Martin Andanar na nag-uutos kay Clavite na ipaalam sa kanya ang ano mang desisyon sa PIA pagdating sa human resource management.
Sa kanyang naging pahayag naman noon, kinilala ni Clavite ang otoriad ng PCOO pero kasabay nito tinawag din niyang isang demolition job lang ang ginawang imbestigasyon laban sa kanya.