-- Advertisements --

Ibinunyag ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na ito ay nagpositibo sa COVID-19.

Sa kaniyang Instagram account, kinuwento nito ang kaniyang naranasan mga sintomas habang nasa United Kingdom.

Dagdag pa nito na kumpleto naman ang kaniyang bakuna laban sa COVID-19.

Kasama ang kaniyang kapatid na nagpositibo na agad silang nag-isolate ng ilang araw.

Matapos nito ay sumailalim sila sa COVID-19 test at lumabas na negatibo na.

Pinayuhan ito ang mga followers sa social na seryosohin at huwag maliitin ang virus.