-- Advertisements --
Doble kayod ngayon si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach para mapanatiling malusog ang sarili.
Ito ay matapos na malaman niyang mayroon siyang mataas na cholesterol.
Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan habang nakasuot na pagn-workout.
Sinabi nito na kailangan niyang magdoble kayod para mapababa ang kaniyang cholesterol.
Dagdag pa nito na dapat tuloy-tuloy ang gagawing pagpapapayat at ibahin ang lifestyle.
Ibinunyag din nito na siya ay lactose intolerant kung saan nanghihinayang ito dahil sa gustong-gusto niyang kumain ng mga pagkain na may mga gatas.
Pinayuhan nito ang mga followers na ang kondisyon ng isang tao ay hindi lamang nakikita sa physical na panlabas lamang.