-- Advertisements --

Nagboluntaryo si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na turuan ang actress na si Sanya Lopez sakaling ito ay sasabak sa beauty pageant.

Isa kasi si Pia na naghihikayat sa actress na sumali sa mga beauty pageant.

Hindi naman maitago ng actress ang kasabikan ng malaman na mismong Miss Universe winner ang magtuturo sa kaniya.

Sa kasalukuyan aniya ay abala ito sa pag-aartista at kaniyang pag-iisipang mabuti kung ito ay sasabak sa pag-aartista.