Hindi naitago ng aktres na si Teresita Ssen “Winwyn†Marquez ang kanyang kilig makaraang makatanggap ng komento mula kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Marquez nitong Huwebes ng kanyang photo na may caption na: “May all of your vibes say: I GOT THIS.”
Umani naman ito ng daan-daang comments mula sa kanyang mga fans, na inuudyukan siyang ituloy ang balak na pagsali sa Binibinig Pilipinas pageant.
Ilan sa mga nakisali si Wurtzback kung saan inilarawan nito si Winwyn bilang “Miss Universe material.”
Tugon naman ni Marquez, nagkaroon daw ito ng “mini-heart attack” matapos niya itong mabasa.
Sa kasalukuyan, hindi pa malinaw kung lalahok si Marquez sa Binibining Pilipinas ngayong taon dahil sa ilan pa raw nitong mga commitments.