-- Advertisements --

Boluntaryong sumailalim sa self-isolation si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa United Kingdom bilang protocols bago ang pakikipagkita sa mga kaanak.

https://www.instagram.com/p/CDBL4VQjmD1/?utm_source=ig_embed

Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan habang naka-social distance kasama ang kapatid na si Sarah at pamangkin na si Lara.

Sinabi nito na isang linggo na lamang ang hihintayin niya para makita na muli ang kaniyang mga kaanak.

Dagdag pa nito na temporaryo lamang na hindi mayayakap ang mga kaanak dahil sumusunod lamang sila sa protocol na ipinapatupad sa nasabing bansa.

Dapat rin aniya na magsuot ang mga bibisita doon ng face mask habang ang mga bata ay hindi na kabilang na magsuot ng face mask.