-- Advertisements --
Pia Wurtzbach 2
Pia Wurtzbach/ FB image

CAGAYAN DE ORO CITY – Dumalo sa grand launching ng HIV Community Center sa lungsod ng Cagayan de Oro nitong Lunes ng hapon si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Ayon sa grupong Kagay-an Preserving Life, Uniting Society, Inc o K-PLUS, pinangalanan nilang Oro Pia Community Center ang naturang clinic dahil alam nilang numero unong adbokasiya ng Pinay beauty queen ang pagtulong sa lahat ng mga indibidwal na hinihinalang may human immonudeficiency virus (HIV).

Mismong ang 29-year-old actress/model, na siya ring kilala bilang UNAIDS Goodwill Ambassador for Asia and the Pacific, ang nanguna sa pagbubukas ng HIV community center.

Sinabi ni Enrique Patricio, executive director ng K-PLUS, isang malaking karangalan ang pagtanggap ni Wurtzbach sa kanilang imbitasyon sa grand launching ng pinakaunang HIV Community Center sa Northern Mindanao.

Magbubukas ang center sa mga araw ng Miyerkules hanggang Linggo alas-2:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi.

Ipinagmalaki rin ni Patricio, na isa ring trained HIV counselor at registered nurse, ang kanilang mga HIV counselors na dumaang sa masusing screening at training sa ilalim ng Joint United Nations Program.