-- Advertisements --
Naglabas na ng kaniyang kasabikan si Pia Wurtzbach sa pagbabalik niya sa Italy para sa Milan Fashion Week.
Sa social media account nito ay ibinahagi ng dating Miss Universe ang ilang larawan video habang ito ay nasa Milan.
Matapos kasi na magwagi bilang Miss Universe ay nais niyang maging style influencer.
Noong nakaraang Enero ay hindi na siya nakadalo sa Paris Fashion Week at hindi na nito ibinahagi ang dahilan nito.
Dumalo na noong nakaraang taon si Pia sa Milan Fashion Week na isa sa mga pinakamalaking fashion event sa mundo.