-- Advertisements --

Naimbitahan si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa virtual Arab fashion week.

Isusuot nito sa March 24 event ang avant-garde creation ng Pinoy Furne One Amato Couture o kilalang “King of Couture” sa Dubai.

Ang designer ay paborito ng ilang sikat na singer at Hollywood stars gaya nina Jennifer Lopez, Nicki Minaj, Lady Gaga, Ariana Grande at maraming iba pa.

Isa itong makasaysayan na kaganapan na dadaluhan ni Pia dahil siya lamang unang Miss Universe titleholder na makikibahagi sa digital edition ng sikat na Arab Fashion Week.