-- Advertisements --

Nabawi ng mga Dutch art detective ang nawawalang Picasso painting matapos ang 20 taon.

Ang 1938 masterpiece na “Portrait of Dora Maar” o “Buste de Femme (Dora Maar) ay nagkakahalaga ng $28 million.

Nawala ang nasabing painting habang ito ay nasa yate ng Saudi billionaire na si Sheikh Abdul Mohsen Abdulmalik Al-Sheikh noong 1999.

Nakakabit ang nasabing painting sa bahay ni Picasso hanggang ito ay pumanaw noong 1973.

Sinabi ni Arthur Brand, kilalang Dutch art detective na nabawi ang nasabing painting at inilagay niya pansamantala ito sa kaniyang apartment.

Ang nasabing painting ay ninakaw at ginawang colateral sa mga malalaking sindikato ng iligal na drog sa Europa.