Dahil na rin sa nagkukulang na pasilidad para tugunan ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) scare dito sa bansa, inirekumenda na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ma-covert bilang health facility ang apat na malalaking gusali na pag-aari ng gobyerno dito sa Metro Manila.
Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar, may rekomendasyon na raw silang ipa-convert ang Philippine International Convention Center (PICC), World Trade Center, Rizal Memorial Coliseum at Philippine Institute of Sport Multi Purpose Arena na kayang mag-accomodate ng nasa 3,000 pasyente.
Aniya, puwede raw gamitin ang mga pasilidad para sa mga maituturing na patients under investigation (PUI) at patients under monitoring (PUM).
Kumpleto raw ang nasabing mga pasilidad sa linya ng tubig at kuryente na maaring magamit bolang mga isolation rom.
Bukod sa mga nasabing pasilidad, tinitignan din ng DPWH ang mga open area nito bilang sites o lokasyon na maaring paglagyan din ng mga prototype tents para sa karagdagan pang pasilidad ng DoH.
Kabilang dito ang open area ng PICC, CCP, Rizal Memorial Coliseum, Rizal Memorial Coliseum at Philippine Institute of Sport Multi Purpose Arena, Quezon City Memorial Circle, University of the Philippines (UP)-Diliman Campus at Veterans Memorial Medical Center.
Ang mga open area kapag na-convert bilang pasilidad ay makakapag-accomodate ng mahigit 7,000 pasyente.