-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Nagdulot ng takot sa mga sibilyan ang magkasunod na pagsabog nitong gabi ng linggo sa probinsya ng Cotabato.
Ayon kay Pikit Chief of Police Lieutenant Colonel John Miredel Calinga na sumabog ang dalawang 40 mm high explosive mula sa M79 grenade launcher sa Mahad Torre sa Barangay Poblacion Pikit Cotabato.
Walang nasugatan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng grabeng takot sa mga residente.
Sa ngayon ay hinigpitan pa ng PNP at militar ang pagbabantay sa seguridad sa bayan ng Pikit Cotabato.