-- Advertisements --
image 55

Lalo pang humaba ang pila ng mga turista sa Caticlan jetty port na nais magbakasyon sa Isla ng Boracay ngayong Semana Santa.

Ayon kay Senior Chief Petty Officer Dominador Salvino ng Philippine Coast Guard (PCG)-Aklan, noong Abril 2 pa sinimulan na nilang ipatupad ang maghigpit na seguridad para matiyak ang kaligtasan ng mga turista.

Karaniwan aniyang inaabot ng isang oras sa mahabang pila ang mga turista, dahil hindi agad na makaaalis ang bangka patungong Boracay kung hindi makompleto ng mga pasahero ang paglista ng kanilang mga pangalan sa manifesto.

Upang maging systematic ang proseso, nagbibigay ng numero sa mga bumibiyahe kasabay sa pagfill-up sa manifesto bago makasakay sa motorboat.

Layunin nito na masigurong hindi magkaroon ng overloading patawid at palabas ng Boracay.

Inoobliga din ang lahat sa pagsusuot ng life jacket ng mga sasakay sa bangka, kahit ilang minuto lang ang biyahe patungo sa Boracay.