-- Advertisements --

VIGAN CITY – Patong patong na kaso ang inihain ng kapulisan laban sa magkapatid na sina Pilar, Abra Mayor Mark Roland Somera at Vice Mayor Jaja Josefina Somera Disono.

Paglabag sa Republic Act (RA) 9208 as amended by RA 10364 o ang expanded trafficking in person act ang naisampa sa prosecutor’s office laban kina Mayor Somera at Vice Mayor Disono may kaugnayan sa pagsuko ng labindalawang dating militar na security aide ng magkapatid matapos ang nangyaring standoff noong March 29 na ikinasawi ng isa.

Kasong paglabag din sa Article 151 of the Revise Penal Code or Serious Disobedience of Lawful Orders of Agent of Person in Authority ang kakaharapin ng mga security aide na sina Jericho Toreno Bufil, Robert Boreta Toreno, Emmanuel Nicanor Valera at Sandee Boy Bermudo makaraang takbuhan umano ang PNP at COMELEC spot checkpoint na minamando ng PNP personnel

Sa nangyaring barilan, namatay noon si Bermudo na taga Makati.

Multiple attempted murder case naman ang sasaguting sa korte ni Jericho Toreno Bufil na di umano’y nagpaputok ng baril sa mga humahabol na pulis.

Hiwalay ding kaso na paglabag sa RA 7166 in relation to Batas Pambansa 881 o ang unauthorized employment of bodyguards/security aids ang inihahanda laban kina Mayor Somera at Vice Mayor Disono habang violation of section 261, BP 881, (Gun ban) ang kasong naisampa laban sa bise alkalde kung saan nakatakda na itong i-endorso sa Regional Office ng COMELEC.

Samantala ang narekobreng baril ng SOCO team mula sa loob ng puting van na ginamit ng mga security aid ng mga Somera ay nagpositibo sa gun powder residue (GPR).

Sa isang pahayag sinabi ni Abra Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Maly Cula, sana’y magsilbing aral sa kanila at sa boung Abranian ang nasabing pangyayari.

Dapat umanong maging mapagmatyag, alerto at maging istriko sa mga lahat ng mga sasakyang dumadaan sa PNP-COMELEC checkpoint maging sino man ang sakay nito, opisyal man o hindi ng gobyerno.

Panatilihin din umano ang kagandahang loob at maging magalang sa bawat isa nang sa ganon maabot ang minimithing Safe, Accurate, Fair at Free ngayong May 9, 2022 national at local elections.

Matatandaang kahapon, Abril 6, limang kandidato sa pagka sangguniang bayan member sa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL) ang naghain ng kani-kanilang Statement of Withdrawal of Certificate of Candidacy sa opisina ng Election Officer sa Pilar, Abra.

Ang mga umatras na kandidato ay sina Macario D. Guzman, Timoteo G. Dasalla, Rogelio S. Ciervo, incumbent SBM Teresita B. Doral at Leilanie D. Dison.Ang mga nasabing kandidato ay kaalyado umano nina Mayor Somera at Vice Mayor Jaja Disono.