-- Advertisements --

Makatatanggap ng direct cash subsidy mula sa Department of Transportation (DOTr), sa pamamagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang mga kwalipikadong operator ng public utility vehicles (PUV).

Sang-ayon ito sa Republic Act 11494, o mas kilala bilang Bayanihan to Recover As One Act o “Bayanihan 2.”

Sa ilalim ng Bayanihan 2, inilaan ang P1.1-bilyong pondo upang matulungang makabangon ang “critically-impacted road-based stakeholders.”

Batay sa programa, may matatanggap na ayudang P6,500 kada unit ang mga piling benepisyaryo na PUV operator.

Ang mga benepisyaryo ng direct cash subsidy ay mga operator ng mga sumusunod na PUV na may nakatakdang ruta:

  • Public Utility Bus (PUB);
  • Point-to-Point Bus (P2P);
  • Public Utility Jeepney (PUJ);
  • Mini-Bus;
  • UV Express; at
  • FilCab

Ipamamahagi naman ang direct cash subsidy sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:

  • Ilalagay sa Landbank of the Philippines (LBP) Pantawid Pasada Program (PPP) Cash Cards;
  • Sa mga walang PPP cash cards, ilalagay sa inyong existing LBP account;
  • Ilalagay sa inyong existing bank account sa pamamagitan ng PESONet at INSTAPay;

Samantala, balak ng LTFRB na umpisahan ang pamamahagi ng direct cash subsidy ngayong linggo.