CENTRAL MINDANAO-Bilang bahagi ng layuning pangalagaan ang kapakanan ng mga kabataan sa probinsya, patuloy ngayon na pinapalakas ng pamahalaang panlalawigan ang kampanya kontra droga sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Anti-Illegal Drug Symposium sa mga piling senior high school students.
Ngayong araw, sumailalim ang may 65 na mga estudyante at 25 guro mula sa Kabacan National High School sa nasabing aktibidad kung saan nagbigay ng inputs tungkol sa effects of Dangerous Drugs, Salient Provision of RA 9165, Drug-free Workplace Policy ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang resource speakers na pinangunahan ni PDEA-Cotabato Head Neil Liensing.
Nag paabot naman ng kanyang pagbati si Governor Emmylou “Lala” J. TaliƱo-Mendoza sa pamamagitan ni Provincial Federation President Liga ng mga Barangay Phipps Bilbao sa lahat ng mga estudyante at mga guro na aktibong nakiisa sa na sabing aktibidad.
Ayon kay Bilbao tanging hangad ng gobermador na mapangalagaan at matulungan ang mga kabataan na magkaroon ng magandang kinabukasan sa pamamagitan ng information dissemination campaign, para maiwasan ng mga ito ang pag gamit at malulong sa illegal na droga.
Nag pasalamat naman si Hiyasmin A. Lumanggal Sr. High School Assistant Principal na kinatawan ni Kabacan National High School Principal Mary Joy D. Bautista sa ibinigay na pagkakataon sa kanilang paaralan na maging bahagi ng isinusulong na programang Anti-Illegal Drug Symposium kung madagdagan ang kaalaman ng mga estudyante kung papaano maiwasan ang illegal na droga.
Dumalo rin sa nasabing symposium si PCapt Jose Ryan Firanel OIC Provl Drug Enforcement Unit.
Ang isinusulong na Anti-Illegal Drug Symposium na bahagi ng Provincial Anti-illegal Drug and Rehabilitation Campaign Program ng probinsya ay isinagawa sa pangunguna ng Provincial Anti-Drug Abuse Council