-- Advertisements --

Pilipina, kampeon sa 16th ASEAN Taekwondo Championship; mas naging gutom umano sa tagumpay matapos mabigo sa mga nakalip
LEGAZPI CITY- Nasungkit ng Albayana na si Clarence Sarza ang gold medal sa Senior Women Fin weight category under 46 kg sa 16th ASEAN Taekwondo Championships.

Nakaharap nito ang dalawang pambato ng Vietnam habang kapwa Pilipino naman ang nakatunggali sa final round.

Kwento nito sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi na una na siyang nakapagbulsa ng bronze medal at silver medal sa 14th at 15th edition ng ASEAN Taekwondo Championships kaya mas naging gutom pa sa gintong medalya.

Aniya, nakaramdam siya ng panghihinayang subalit isinantabi ang emosyon upang mas pagbutihin pa hanggang sa maabot ang tagumpay.

Sa kasalukuyan, aminado si Sarza na malaking pressure ang nararamdaman niya sa pagpapanatili ng gold medal sa susunod pang mga kumpetisyon subalit siniguro nito na patuloy na sisikapin na makapagdala ng karangalan sa bansa.

Samantala, pinayuhan naman nito ang mga kapwa atleta na ang tagumpay ay dumadaan sa mahabang proseso at hindi laging panalo at masaya subalit kinakailangan na manatili lamang ang pagpupursigi upang makamit ang tagumpay.

Samantala, nagpasalamat naman ito sa lahat ng sumuporta sakaniya kahiit noong mga panahon na wala pa siyang napapatunayan bilang atleta.