-- Advertisements --

Inanunsyo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na idineklara bilang “venerable” o kapintu-pintuho ang madreng Filipina na si Mother Francisca Del Espiritu Santo De Fuentes.

Kinilala ng Santo Papa na namuhay nang may “heroic virtues” si Mother Francisca, na tagapagtatag ng Dominican Sisters of St. Catherine of Siena.

Paliwanag ng CBCP, kinakailangang kilalanin ng Catholic pontiff ang isang milagro upang maging beato ang madre at isa pa para maging ganap na santo.

“After the beatification, another miracle would be needed for canonization,” saad ng CBCP.

Sumakabilang buhay si Mother Francisca sa Maynila noong 1711, at inilibing sa simbahan ng Colegio de San Juan de Letran.

Nitong nakaraang buwan nang ipinagkaloob din ni Francis ang titulong “venerable” sa isa pang Pilipinang madre na si Mother Maria Beatrice Rosario Arroyo.