-- Advertisements --

Ipinahayag ng Commission on Filipinos Overseas (CFO) ang matinding pagkondena sa pagpaslang sa 27-taong gulang na Filipina na si Marvil Facturan-Kocjančič sa isang post sa social media post nitong araw ng Biyernes, Enero 10, 2025.

Ayon sa mga ulat, pinatay si Facturan-Kocjančič ng kanyang mister na si Mitja Kocjančič habang sila ay nagbabakasyon sa Bled, Slovenia noong Disyembre 29, 2024.

Binigyang-diin ng CFO ang kanilang patuloy na pagsuporta sa mga karapatan at kaligtasan ng mga Pilipino sa ibang bansa at hinihikayat ang mga nakakaranas ng karahasan sa loob ng bahay o iba pang uri ng pang-aabuso na humingi ng tulong at suporta.

Ipinapakita ng malungkot na insidente ang patuloy na pangangailangan para sa pagbibigay ng proteksyon at suporta sa mga Pilipino na naninirahan sa ibang bansa.