Hindi na kailangan ng Pilipinas at US na gumawa ng mga bagong military agreements bukod pa sa umiiral na Mutual Defense Treaty (MDT) at Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Ito ang pinaniniwalaan ng mga opisyal ng dalawang bansa sa pagtatapos ng Pilipinas at US sa dalawang araw na Bilateral Security Dialogue (BSD), na naglalayong talakayin ang pagpapalakas ng alyansa.
Nagbigay ng katiyakan ang dalawang bansa na e-priority ang mga concerns sa West Philippine Sea sa kanilang pag-uusap.
Ayon kay DFA Undersecretary for Bilateral Relations and Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Affairs Ma. Theresa Lazaro , walang bagong kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa ngunit nananatili ang kooperasyon.
Sinabi ni US Assistant Secretary of State for East Asian and Pacific Affairs Daniel Kritenbrink, na nasa Maynila para sa Bilateral Security Dialogue (BSD), na hindi niya inisip na kailangan pa ng Pilipinas at US ng mga bagong kasunduan para lamang maisakatuparan ang pangako ng Western giant.
Dahil ang mga umiiral na kasunduan ay sumasaklaw na sa militar at coast guard ng bansa, kabilang ang mga nasa West Philippine Sea.