Ang defense departments of the Philippines at Australia ay sumang-ayon na magkaroon ng dagdag pang kooperasyon at pagtutulongan kabilang ang joint patrols sa Indo-Pacific region.
Sa joint conderence, ibinahagi ng Philippine’s Defense chief Carlito Galvez Jr. at Australia’s Minister for Defense at Deputy Prime Minister Richard Marles ang kanilang mga talakayan matapos ang kanilang pagpupulong.
Sumasang-ayon sila na galugarin ang iba pang posibleng areas of cooperation habang muling pinagtitibay ang kontra-terorismo at ang maritime security ay nananatili bilang mga pangunahing haligi ng bilateral defense cooperation ng bansa, ani Galvez.
Dagdag pa ni Galvez, na inaasahan niya ang joint patrolat joint training kasama ang mga kaibigan at kaalyadong bansa habang ang Pilipinas at Australia ay nakatakdang magtatag ng isang regular na Defense Ministerial Meeting (DMM).
Ayon kay Galvez, mas magkakaroon ng kooperasyon ang Pilipinas sa Australia sa pamamagitan ng naval at air forces.