-- Advertisements --

Nagkasundo ang Pilipinas at Cambodia na palakasin pa ang ugnayan ng dalawang bansa upang matiyak ang seguridad sa pagkain at ang pagpapalakas ng commercial aviation.

Tinalakay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga hamon ng Pilipinas sa kalakalan ng bigas at seguridad sa pagkain sa kanyang bilateral meeting kay H.E. Hun Manet, Prime Minister ng Cambodia.

Hiniling ng chief executive ang suporta ng Cambodia para sa pagpapagaan ng mga termino kaugnay sa mga nag-aangkat ng bigas upang matiyak ang isang matatag na suplay ng bigas sa harap ng mababang produksyon na dulot ng mga bagyo.

Inaasahan ng Pilipinas ang mas malakas na pakikipagtulungan sa Cambodia sa larangan ng seguridad sa pagkain, kalakalan at komersyo, at pagpapalitan ng mga tao.

Sinabi ng Pangulo, ito ay panimula pa lamang para sa isang mas pinalakas na collaboration sa Cambodia.

Ang ginawang pag-angkat ng bigas ng Pilipinas nuong buwan ng Mayo sa Camboadia ay kauna-unahan matapos pinagtibay ang Rice Tarrification Law nuong 2019.

Napagkasunduan din ng dalawang bansa na palawakin pa ang direct flights sa pagitan ng Pilipinas at Cambodia ngayong lumuwag na ang sitwasyon at wala ng Covid-19 restrictions.