-- Advertisements --
image 60

Nagkasundo ang Pilipinas at China para sa pagpapalakas pa ang digital cooperation.

Ito ay kasunod ng paglagda sa memorandum of understanding (MOU) para palitan at pagpapalakas ng kooeprasyon sa digital, information at communications technology sectors.

Nilagdaan ang naturang kasunduan noong Enero 4, 2023 nina DICT Secretary Ivan John Uy at kaniyang Chinese counterpart na si Ministry of Industry and Information Technology (MIIT) Minister Jin Zhuanglong for China.

Ito ay isa lamang sa 14 na bilateral agreements na nilagdaan sa state visit ng Pangulong Marcos sa China.

Sa ilalim ng nasabing kasunduan, ang dalawang bansa ay magpapalitan ng kaalaman, technical expertise at best practices sa artificial intelligence (AI), 5G, cloud computing, big data, internet at iba pang emerging technologies.

Saklaw din dito ang suporta para sa pagpapalakas ng telecommunication industry at posibleng partnership para sa data center projects.