Muling nagsagawa ng panibagong military exercises ang Philippine at Indonesian military.
Ito ay sa ilalim ng PHILINDO Strike IV exercises na nagsimula kahapon sa Maguindanao del Norte kung saan nagsisilbing host ang 6th Infantry Division ng Philippine Army
Sa ilalim ng PHILINDO Strike IV exercises, nakahanay ang operational readiness training, pagtugon sa mga banta sa international security and stability particular sa Southeast Asia, at pagiging episyente ng militar na tugunan ang mga kasalukuyang hamon sa Indo-Pacific Region.
Dito ay masusukat ang kolaborasyon sa pagitan ng dalawang militar at maging ang kahandaan ng mga ito sa pagsasagawa ng mga military, humanitary, at disaster operations.
Ang PHILINDO Strike ay ang opisyal na joint military exercises sa pagitan ng Indonesia at Pilipinas.