-- Advertisements --

Nais na pumasok ng Pilipinas at Japan sa isang visiting forces agreement (VFA) para sa makapagsagawa ng military exercises sa bansa.

Ayon kay Department of National Defense (DND) chief Jose Faustino Jr. na sa ngayon kasi ay lumalahok ang military troops ng Japan sa military execises sa Pilipinas bilang observers.

Nang matanong naman ang DND chief kung paano makakatulong ang naturang kasunduan sa pagsecure sa West Philippine Sea, sinabi ng opisyal na ang naturang kasunduan ay hindi direktang may kinalaman sa ibang bansa subalit para sa national interest.

Ang pahayag din ng DND chief ay kasunod ng pagpapahayag ng mga Senador ng suporta para sa posibleng Visiting forces agreement ng Japan at Pilipinas.