Pumirma ng kasunduan ang Pilipinas at Japan ngayong araw para sa limang 97-meter Multi-Role Response Vessels ng Philippine Coast Guard.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, nagkakahalaga ng 64.38 billion yen o halos 24 million pesos ang limang vessels gayundin ang pag-develop ng support facilities.
Ito ay popondohan ng Japanese official development assistance loan sa ilalim ng third phase ng Maritime Safety Capability Improvement Project.
Pinangunahan nina Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Japanese Ambassador Endo Kazuya ang pirmahan ng exchange of diplomatic notes para sa naturang proyekto.
Kabilang din daw sa naturang kasunduan ang pag-develop ng required support facilities para sa PCG na magpapaunlad umano sa kakayahan ng PCG na tumugon sa mga transnational crime.
Ayon kay Manalo, ang kasunduan ay hindi lamang para palakasin ang bilateral relations ng dalawang bansa bagkus ay isang patunay ng unwavering commitment para patatagin ang maritime safety capabilities.
Nauna ng bumili ang PCG ng sampung 44-meter at dalawang 97-meter multi-role response vessels sa Japan.
Kung matatandaan, ang dalawang 97-meter patrol ships na BRP Melchora Aquino at BRP Teresa Magbanua ay ginamit na para mag-patrol sa West Philippine Sea.