Naging mabunga ang pag uusap nina pangulong Ferdinand marcos jr at Malaysian prime minister anwar Ibrahim sa bilateral meeting na ginanap sa malakanyang.
Sa isang joint statement, sinabi ni pangulong marcos na kapwa kinikilala ng pilipinas at Malaysia ang kahalahagahan na manapatili ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon, partikular ang West Phil Sea.
Dahil dito napagkasunduan ng dalawang lider na ipagpatuloy ang kooperasyon ng Pilipinas at Malaysia sa larangan ng politika at seguridad.
Kabilang din sa napagkasunduan ay ang pagpapatupad ng mga bagong approach kaugnay sa isyu sa West Phl Sea.
Muling palalakasin ng dalawang bansa ang joint commission meetings at joint initiatives para labanan ang transnational crime at terorismo.
Ayon sa pangulo, kapwa nila pinupuri ni prime minister Ibrahim ang progreso patungo sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.
Malaki aniya ang kontribusyon ng Malaysia sa peace process sa southern Philippines at umaasang magpapatuloy pa rin ang suporta nito lalo na sa pagtatatag ng Bangsamoro autonomous region.
Hinimok din ng Pangulo ang Malaysia na patuloy na suportahan ang mga hakbang ng gobyerno lalo na sa development at pagbibigay ng livelihood sa mga mindanaoan.
Palalakasin din ng dalawang bansa ang kanilang ugnayan sa kalakalan na nagsusulong ng halal foods maging sa digital economy.
Sa panig naman ni Malaysian prime minister Ibrahim, tiniyak nito na patuloy nilang susuportahan ang pilipinas para sa pag unlad nito sa larangan ng kalakalan at pamumuhunan, edukasyon, agrikultura, kalusugan, turismo at kultura.
Binigyang diin din nito na kailangang mapalakas pa ang collaboration ng dalawang bansa sa defense and security.
Iginiit ni Ibrahim na kailangang maging matagumpay ang peace process sa Mindanao, para sa kapakinabangan ng kapwa nila mamamayan, dahil bilang kalapit bansa o kapitbahay ay apektado rin sila kung may kaguluhan sa katimugang bahagi ng bansa.
Patuloy aniya silang handang mag alok ng tulong sa Bangsamoro people.