Nagkasundo sina Pang. Ferdinand Marcos Jr. at Prime Minister Christopher Luxon na mas lalo pang palakasin ang relasyon ng Pilipinas at New Zealand, at iangat ito sa mga paraang maghahatid ng totoong benepisyo at magsusulong ng parehong interes sa seguridad at ekonomiya.
Sa joint statement ng dalawang lider, nagkasundo sina Pang. Marcos at PM Luxon na mas palawakin pa ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan.
Kabilang dito ang defense, security at maritime cooperation, trade and economic ties, people-to-people connections, renewable energy at climate change, at regional and global developments.
Inatasan ng dalawang lider ang kanilang Foreign Ministers at iba pang opisyal na maglatag ng Roadmap na magsisilbing gabay sa pagtatatag ng Comprehensive Partnership.
Kasama dito ang pag-angat ng Foreign Ministry Consultations sa Vice-Ministerial level at ang paglikha ng mga bagong mekanismo gaya ng Joint Economic Commission at Maritime Dialogue.
Binigyang diin rin ng mga ito ang kahalagahan ng karagdagang visa facilitation sa pagitan ng Pilipinas at New Zealand.