-- Advertisements --

Tatlong MOU ang pinirmahan ng Pilipinas at Palau kasabay ng Official visit sa bansa ni Palau President Surangel Whipps Jr.

Kabilang sa nilagdaang Memorandum of Understanding ay ang tungkol sa fishing cooperation na dito ay itataguyod ang kasunduan hinggil sa pagpapanatili ng pangangalaga sa yamang-dagat gayundin sa mga proyekto at pananaliksik patungkol sa pangisdaan kasama na ang may kinalaman SA pagpigil sa illegal, unreported at regulated fishing.

Kasama din sa nalagdaan ay ang Diplomatic Note para sa study visit o pagbibigay ng technical support sa mga opisyales ng Palau officials at stakeholders na may kinalaman sa gagawing pagbabahagi ng Pilipinas ng best practices ng bansa sa usapin ng pangisdaan.

Kabilang din sa nalagdaang MOU ang Memorandum of Understanding on Policy Consultations.

Ito ay ang MOU na nagtatakda ng isang mekanismo para sa mga kagawaran ng ugnayang panlabas ng Pilipinas at Palau para magpalitan ng pananaw tungkol sa bilateral at regional cooperation.