-- Advertisements --
Nakausap sa telepono ni Pangulong Rodrigo Duterte si Saudi Crown Prince Mohammed Bin Salman Al Saud.
Tinalakay ng dalawa ang pagpapahalaga ng karapatan ng mga migrant workers at ang kooperasyon nila sa paglaban sa COVID-19.
Ipinakita ng dalawa ang mainit na pagsasamaha ng Pilipinas at Saudi Arabia.
Sinabi ni presidential adviser on foreign affairs at chief of presidential protocol Robert Borje na Tiniyak ng Saudi Crown Prince kay pangulo Duterte na kanilang poprotektahan ang karapatan ng mga manggagawang Filipino.
Isinagawa ang pag-uusap ng dalawa isang linggo ng manawagan si Pangulong Duterte na tanggalin na ang Kafala system kung saan ang mga migrant workers ay kailangan ng isang sponsor para matiyak ang visa and employment permit.