-- Advertisements --
image 451

Nagbigay ng courtesy visit si United Kingdom (UK) Ambassador to the Philippines Laure Beaufils kay Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco sa Makati City.

Ang talakayan sa pagitan ng dalawang pinuno ay nakatuon sa pagpormal ng kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at UK sa mga aspeto ng sining, English as the Second Language (ESL), at sustainability projects ng Departamento.

Ang focus umano ng Department of Tourism ay akitin ang mas maraming bisita mula sa UK at agresibong pagtuunan din ng pansin ang mga oppurtunity markets sa Europe.

Binanggit din ni Tourism Secretary Christina Frasco ang ideya ng pagtuklas ng magkasanib na mga promotion, pagsasanay sa English as the Second Language, paggamit ng parke at pampublikong pasyalan bilang mga lugar para sa pagpapalitan ng kultura at pag-imbita ng mga pamumuhunang nauugnay sa turismo mula sa UK.

Sa kanyang bahagi, sinabi ng ambassador na bukas ang kanyang tanggapan para tuklasin ang mga investment na may kinalaman sa turismo na maaaring magbigay ng malakas na pagkakataon para sa Pilipinas.

Sa huli, pinasalamatan ni Frasco ang UK para sa tulong nito sa Pilipinas lalo na sa mga pagsasanay sa seguridad sa turismo, at ipinahayag ang optimismo sa ganap na muling pagbubukas ng Mindanao sa lahat ng mga turista na nagmumula sa iba’t-ibang bansa.