-- Advertisements --
Binanbantayan rin ng Pilipinas ang mga nagaganap na halalan sa US.
Ayon kay Philippine Ambassador to the United States of America Jose Manuel Romualdez, na mahalaga na makita ang maaring pagbabago sakaling may bagong pangulo na mahalal sa US.
Isa kasi ang US na itinuturing mahigpit na kaalyado ng Pilipinas.
Naging mahigpit ang ugnayan nina US President Joe Biden at Pangulong Ferdinand Marcos Jr lalo sa usapin ng ekonomiya at seguridad sa West Philippine Sea.
Magugunitang naging manit na ang nagaganap na primary election kung saan inaasahan na makakaharap ni Biden si dating US President Donald Trump.