-- Advertisements --
Nararapat na manindigan ang bansa laban China para hindi na paulit-ulit ang ginagawang pananakop nila sa teritoryo ng bansa.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr, na kahit na walang kakayahan ang military assets ang bansa ay mayroon naman itong karapatan para protektahan ang teritoryo sa pamamagitan ng mutual defense treaty.
Nararapat malaman ito ng China para hindi nila mamaliitin ang Pilipinas.
Magugunitang naghain ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China dahil sa paglayag ng mahigit 200 na barkong pangisda sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea.