-- Advertisements --
image 558

Nararapat lamang umanong payagan ang Pilipinas na sumagot sa mga komento ng ilang grupong umano’y mga biktima sa kasong may kaugnayan sa kampanya laban sa iligal na droga sa International Criminal Court (ICC).

Ang mga kaso ay may kaugnayan sa war on drugs ng dating administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, ang umano’y komento ng mga biktima ay napag-usapan sa sa kauna-unahang pagkakataon sa isang apela sa ICC Appeals Chamber na hindi nabibigyan ang Pilpinas ng pagkakataon na sumagot o tignan ang naturang mga reklamo.

Depensa ng Solicitor General, hanggat mabibigyan ang estado ng patas na oportunidad na sumagot sa mga submissions ng mga biktima sa appeals stage ay hindi na raw magkokomento dito ang OSG kaugnay ng kanilang involvement.

Nais daw ipunto ng Solicitor General na noong nasa initial stages ng kaso ay nabigyan lamang ang estado nang mas kaunting panahon para masagot ang isyu.

Aniya, hindi raw alam ng pamahalaan kung saan galing ang 90 anonymous victim applicants at kung saan galing ang mga ito.

Sa desiyon na mayroong petsang March 21, ipinag-utos ng ICC Appeals chamber sa Victims Participation and Reparations Section na kumolekta at i-transmit ang ano mang representations mula sa mga interesadong biktima at mga victim groups at magbigay ng report sa May 22.

Ibinasura naman ng body ang initial request ng Pilipinas na ma-notify ang lahat ng filings kaugnay ng mga biktima kalakip ang Rome Statute provision.

Ito ay may kaugnayan sa karampatang measures para maprotektahan ang kaligtasa, physical at psychological well-being, dignity at privacy ng mga biktima at mga testigo.

Una nang sinabi ni Guevarra na ang desisyong mag-hire ng foreign lawyer na hahawak sa kaso ng gobyerno sa ICC ay kinakailangan para masigurong ang interest ng bansa ay nare-represent sa tribunal.

Si British barrister Sara Bafadel, na nagpa-practice sa ICC sa Hague, Netherlands ay bahagi ng Philippine government na magrerepresenta ng kaso sa tribunal.